nagising nalang ako isang umaga, naramdaman ko parang may kulang.
kumain ako ng almusal, nakausap ko na lahat ng tao sa bahay, pero
bakit ganito parang ang bigat ng pakiramdam ko. pumasok ako sa
trabaho nagiisip pa rin. muntik na nga akong matisod sa kakaisip lang
nito. tinanong nako ng mga katrabaho ko, ano ba meron sakin bakit ang
tamlay ko. sabi ko hindi ko alam, di ko maintindihan. alam mo ba yung
pakiramdam na parang may malaking butas sa sarili mo, tipong merong
kilangang makapuno? yun ang naramdaman ko nung araw na yun, gusto ko
na ngang sumigaw, magwala, malay ko ba kung ano lang ito. pero hindi
ko ginawa, hindi naman dapat. mga bandang tanghali pagkatapos ng
tanghalian, tumawag siya, lam mo na siya, yung lalaking minahal ko
buong buhay ko pero iniwan ako para sa ibang tao, wala lang nagamusta
lang labas daw kami pagkatapos ng trabaho, nagisip ako ng mabuti,
kung papayag ako o hindi, naisip ko ano ba namang masama, nasa malayo
naman nagtatrabaho ang girlfriend niya, parang malalaman diba?
natapos ang araw sobrang excited ako, sinundo niya ako sa trabaho,
kumain kami, nagusap, binalik ang nakaraan, sabi ko nalang wag nang
pagusapan may buhay na siya, masaya narin ako sa buhay ko, kaibigan
nalang maibibigay ko, ang drama pa nga sabi niya mahal pa daw niya
ako, kumpara bako sa bago, mas mabait daw ako, mas maintindihin, mas
understanding, sabi ko nga aba eh bakit mo sakin sinasabi yan, ano
ito bolahan, natawa lang siya kahit hindi nakakatawa, nainis nga ako
di ko nalang pinakita, pero kahit na nag usap kami nandun parin yung
malaking butas nararamdaman ko parin, hanggang sa naisip ko baka
kulang lang ako ng pagtawag sa kanya, pero hindi naman kse madalas
ako tumatawag sa kanya, siguro namn kilala niyo na kung sino yun.
naglalakad nakami pauwi, papunta sa auto niya, nakalimutan ko kahit
sandali ang kulang na nararamdaman. napatawa pako sa mga biro niya,
napalo ko pa nga sa kakatawa. biglang naring ang cellphone ko,
kapatid niya umiiyak, sabi ko bakit kasama ko kuya mo, pauwi na kami.
bigla siyang natahimik, tinanong ko bakit, at dahan dahan niyang
sinabi..”pano nangyari yun eh si kuya nadisgrasya, na total wreck
sasakyan niya..ate patay na siya” nabigla ako hindi ko maintindihan
pano nangyari na patay na siya eh kasama ko pa, pag harap ko sa likod
ko..nandun parin sha, ganun parin suot niya pero duguan na..napaluha
ako, ngumiti lang sha at sinabi na “naramdaman mo na ba yung
pakiramdam na parang may kulang hindi mo maintindihan kung bakit?”
napa oo nalang ako habang patuloy na lumuluha..”papunta ako sayo
ngayon, dahil gusto kung sabihin na ikaw pala yun, yung kulang sa
buhay ko..gusto ko na sana pakasal tayo..pero diba sabi ko naman sayo
kahit anong mangyari gusto ko bago ako mamatay ikaw ang nasa tabi ko”
tapos bigla nalang siyang nawala..bumigat lalo pakiramdam ko,napaupo
ako sa lapag, wala nalang akong nagawa kung hindi umiyak..bakit kung
kailan lahat ng sinabi niya tama sa pandinig ko, hangin nalang ang
lahat ng ito…